Photos
Malugod na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga opisyal ng Radio Mindanao Network, Inc. sa isang courtesy call ngayong araw, ika-2 ng Disyembre sa Malacañan Palace. Itinuturing ni PBBM ang mga Pilipinong mamamahayag bilang kaisa ng gobyerno sa layunin na maglingkod at makapaglingkod sa publiko.Nagpahayag ang RMN ng kanilang suporta sa Pangulo at sa buong hanay ng pamahalaan bilang pakikiisa rin sa pagpapalaganap ng mga priority message sa bawat mamamayang Pilipino.
Nag-courtesy call kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong ika-1 ng Disyembre ang mga bagong talagang Philippine Ambassadors Extraordinary and Plenipotentiary sa Malacañan Palace.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbubukas ng isang 'Kadiwa ng Pasko' caravan site ngayong araw, ika-1 ng Disyembre sa Quezon City kasama ang ilang opisyal mula sa national at city government. Nagpasalamat ang Pangulo sa tagumpay na tinatamo ng naturang programa lalo na't umabot na ito sa iba't ibang bahagi ng bansa kung saan positibo ang feedback mula sa mga mamimili. Binigyang-diin ni PBBM na nais din niyang gawing national program ang 'Kadiwa' sa tulong ng mga lokal na pamahalaan kung saan itutuloy pa rin ito kahit hindi na holiday season bilang tugon sa global inflation. Hinikayat din niya na tangkilikin ang mga produkto sa 'Kadiwa' caravan na handog ng pamahalaan para sa mas masaya at masagana na Pasko ng bawat Pilipino.
President Ferdinand R. Marcos Jr. urged Filipinos on Wednesday to be the best kind of themselves and imitate the loyalty and love of country of Andres Bonifacio as he led the commemoration of the 159th birth anniversary of the hero from Tondo, Manila.
Binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw ang International Rice Research Institute o IRRI at ang International Rice Genebank, ang pinakamalaking koleksyon ng rice genetic diversity sa buong mundo.
Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga opisyal ng DTI Philippines at Department of National Defense - Philippines para talakayin ang mga mahahalagang agenda ng pamahalaan sa sektor ng pamumuhunan at pagpapaunlad ng puwersa ng militar sa bansa. Kabilang sa mga napag-usapan ay ang nakabinbing pag-apruba sa kautusan sa 'greenlaning' o pagpapasimple ng proseso sa paglilisensya at pagpapahintulot sa strategic investments sa bansa. Ito ay iniendorso ng Inter-Agency Investment Promotion Coordination Committee (IIPCC) sa pangunguna ng DTI. Pinag-usapan din sa pulong ang 10-point agenda ng DND kabilang ang patuloy na modernisasyon sa Armed Forces of the Philippines at iba pa.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panunumpa ng mga bagong opisyales ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas ngayong araw, Nobyembre 25. Ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas ay isang organisasyon na naglalayong isulong ang malayang pamamahayag, responsableng pagbabalita, at pagpapaigting ng serbisyong-publiko sa brodkasting sa bansa.
Natunghayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggawad ng "The Grand Cordon of the Order of the Rising Sun" ng Japanese government kay dating Senate President at dating House Speaker Manuel “Manny” Villar Jr.
More Kadiwa outlets opened Friday at different locations in Metro Manila following President Ferdinand R. Marcos Jr.’s simultaneous nationwide launch of the “Kadiwa ng Pasko” project in Mandaluyong City last week.